Wow. Super excited ko pa naman pumasok para makita yung class list, kung sino classmates ko at kung sino-sino yung mga taong magpapasaya ng 3rd and 4th year ko. NAMAN, i was SHOCKED. Hahaha. Sa list, si Mara at Kris lang kilala ko. Jusko lord, I sense something.....something BAD. Pero okay lang ako nung asa sportscom kami, masaya kasi ang daming naliligaw na PIRSHYIR...yung tipong yung skirt halatang galing sa old school niya tapos meron FIRST DAY OF CLASSES=NAKAP.E. . Mukang alam na ata niya kung ano yung sched niya. :)) Ayun, so bell na...akyatan na. Nung asa room na ko, hindi ko alam kung san ako uupo! wala akong kilala, actually meron pero hindi kami close. So nagintay ako sa labas, dumating si Moe..sabi ko upo na kami then dumating na si Kris, Yas, and Mara. Naman, dun palang nagulantang na ko sa nakita ko. I know right away na this class will be SO boring and halata sa mga muka nila na isa silang malalaking NR. Hahummm. Dumating na si Ms. Alvarez, pinagalitan pa kami ng slight kasi hindi kami naka by class number. Sorry naman, nasanay kasi kaming tatayo kaming lahat, pupunta sa platform at tatawagin isa-isa ang aming names para umupo sa particular seat. SORRY NAMAN. Hahaha. So ayun na..I was right, the class was so boring and QUIET. Hahaha. Nakakatakot pa humirit kasi baka walang magreact kasi NR NGA SILA. Sobrang RRRR. Gusto nga namin ni Mara sumaya yung class, pero hindi namin alam kung pano. Haaaaaay..Tapos yun na yun! Grabe first day na first day 3:25 na agad yung uwian. NAMAN. I'm going to miss summer..
Waaaaaaah! Ayoko na talaga. Parang ang dami kong dala papunta sa school, as in lahat ng makakapal na books! Nakakapikon. Anyway, kay aga aga pumunta kami sa teardrop para ewan ko?..basta pumunta kami dun. Sa sobrang kaboringan namin, nagisip kami ng gagawin para maging close kami sa isa't-isa..naisip namin na mag"bonding" sa bahay ni cheskie or somewhere tapos magswim din kami. Whataboutthat? Sa clubhouse daw nila cheskie may kakamatay lang na bata sa pool, so gaganahan pa ba kami? Hahaha. Anyway, grabeeeeeeeee! Ngayon talaga gusto kong gustuhin yung class ko pero hindi talaga siya kagusto-gusto. Napapasabak ako sa english-an kela Stan tapos meron namang iba, or maraming hindi ko napapansin na nageexist..Ang napapansin ko lang is si Moe, Mara, and Kris. WOW! Ang saya noh?..NOT. Basta supercalifragilelisticespiallydocious. I think etong entry na to tungkol lang sa class. Pero kasi naman eh!! 3-3 SUCKS. Yun na yun eh. Ang NR parin nila..Hindi ko alam kung pano ako sasaya dun. Pero i bet magiging honor kami ni Mara ngayon kasi talagang makakaconcentrate ka sa pagaaral dahil hindi maingay at all you can hear are the chirps of the birds. WHOT. Basta yun na yun. Anyway, during lunch time nag gagaguhan kami nila kaye and legs then napagod na kami so umupo na kami sa bleachers, andun sila dea and bets. Ayun na, nangaasar na sila hanggang tumuloy tuloy at BOOM ang huli ko nalang natatandaan nahulog na ko kasi nung papaupo na ko sa chair, aba naman hinili ni bettina. Puta! Nakita panty ko and nawala ang dignidad ko dahil nakaharap talaga ako sa maraming tao. Namaaaaan. Anyway, i never thought na yung pag gagaguhan na yun eh nilalagyan pa ng malisya ng mga friends ko. Hindi naman malisya pero gets? Si Bets ang nangaasar, hindi ko naman pinapansin at sinasabi ko na naman na tama na. Wala lang. Parang bat naman ganun diba? It was all a joke and hindi naman ako yung nangaasar. Hindi ko na nga pinapatulan eh (except nung hinila yung chair ko). Diba? Ano ang dapat wag kalimutan dun?....Wala naman akong ginawang masama. : Haaaay..Anyway, SOBRANG NAGUTOM AKO NUNG PAUWI!!! Eh ayaw ako bilan ng nanay ko ng pagkain sa labas, as in nagpaparinig na ko..wa epek! So hanggang dumating kami sa bahay, gutom na gutom ako...tinulog ko nalang, pag gising ko....MAS MALALAYUNG KAGUTUMAN KO na dumating sa point na hindi na ko nagsasalita. WHOT. Hahahah. tapos kmain na ko, busog na.
Atlast nakapili na ko ng layout pero papalitan ko pa yung banner. Hahaha. Anyway..Summer's almost over! As in isang tulog nalang pasukan na. BUMMER. Hahaha. Natutuwa ako, nagbblog ako ng ganito. Ayoko kasi sa multiply eh, corny. Anyway, I'm so excited pumasok bukas! Pero kinakabahan din kasi sa magiging classmates. What if hindi ko sila makasundo or maging classmate ko yung ayaw ko maging classmate? Sobrang kainis siguro yun, eh blocked section na kami. Hahaha. Tama ba? Wala lang. Tapos naisip ko, what if kaming 7(ako, Lira, Kaye, Donna, Baello, Legs, Cleyr) magclassmates? Ang cool siguro nun..parang close kaming lahat. Hahaha.
Last night, hindi ako masyado makatulog kasi % and I had a fight. Di naman as in pero gets? Hahaha. Since onti lang naman makakakita nito, and I think si Donna lang(hahahaha), kkwento ko na. Pero hindi detailed. Ayun, kasi pinapanuod ko yung Princess Diaries 2 tapos magkatext kami ni % then sabi niya pinanuod daw nila ni :0) yun as in silang dalawa lang, kami na nun. So tinanong ko siya ng tinanong kung ano pa yung ginawa nila ganyan ganyan. Hahaha. Then tinanong ko siya kung lumabas pa sila nun after sabi niya hindi..Pero sinabi niya nung pumunta siya sa Shang na sabi niyang kasama niya sila Katya(Katya ni Soph), yun pala si :0) yung kasama niya! As in sinundo pa daw niya. Diba? Kahit wala na sila, ang point ko lang lumabas silang dalawa na walang kasama. So ano yun? Date?..Alam kong matagal na issue na yung kay :0) PERO nakakabother parin pag silang 2 lang yung magkasama diba? Hindi ko alam kung may nangyayari nang kababalaghan. Maybe nagkatrauma lang ako sa nangyari dati...Pero pangit naman talagang tgnan na lumalabas ka kasama ex mo tapos may kaon ka pa. Diba?..Then tinanong ko kung nagtetext pa sila simula nung nag globe siya, sabay oo ang sagot. Hmp! NAIINIS AKO.
_____________________________________________________________
The first player of this game starts with the "6 weird things/habits about yourself" and people who get tagged need to write a blog of their 6 weird habits/things, as well as state this rule clearly.. in the end, you need to choose 6 people to be tagged and list their names...
1.
I'm SO addicted to online games. AS IN. Sobrang halos lahat ng sites ng online game, alam ko and nalaro ko na. Yung adventure games lang naman. :)
2.
Whenever I eat green mango, kelangan may sawsawan ako na patis at asukal. Hindi ako makakakain ng mangga pag wala yun. Pareho sa Ponkan, suka and asin naman. Hahaha. WEIRD.
3.
Sa bahay, mataray ako and iyakin. :)) imagine that! Hahahhahahaha. Hindi ko lang makuha gusto ko, iyak na ko kagad. Whatta. Para akong nana eh. :))
4.
I sing in the shower. Who doesn't??.. ;D
5.
It takes me more than 5 mins. to make poopoo. Hahahaha. Its either I'm texting or reading something that makes my poopoo time longer.
6. Ano pa ba??..AH!
Before going to sleep, humaharap ako sa mirror para gumawa ng mga faces..as in pati pose ah. Pero nakaupo naman. HAHAHAHAHAHAHAHAHA. Minsan nga nagscary face ako, takte yan talagang natakot ako. Parang yung sa Nickelodeon. :))
:D I tag Carla, Mikko, Baello, Kaye, Janica, Mar.
Name ten of life's simple pleasures that you like the most, then pick ten people to do the same. Try to be original and creative and not to use things that someone else has already used.
1.
My friends. :) Kasi they're always there to support me and make me happy. And saya nila kasama! Hahahaha! Corny ko. Kainis.
2.
FOOD. Kasi pag wala akong ginagawa kain ako ng kain! SARRRAAAAP. Hahahaha. Sobrang nauubos talaga money ko sa kakabili ng pagkain. :)
3.
Clouds. Super cool ang clouds. Hahaha. Yung Fluffy ones ah?:)) Kasi pag sobrang taas nung araw tapos walang clouds, parang ang sakit sa balat. Pero pag meron parang ang sarap magstroll sa kalye. Hahaha. Koneksyon?..Basta masarap siya. Hahaha. ;)
4.
Candieeees! Kahit anong candy ibigay sakin super saya ko na! Para nga akong bata na candy lang, ayos na. Candy makes me happy, SUPER HAPPY. :) Pero sana yung normal na flavor lang ng candy, not yung LUYA CANDY. YUCK.
5.
My mom(I dont know how to do that heart thingy). Kasi since wala naman akong tatay, i mean buhay pa siya pero i dont consider him as my dad. Ayun, sobrang siya lang kasi nagpapasaya sakin pag andito sa house(+ Tita Nel:) ). I love her soooo much.
6.
My BESTEST FRIEND, Carla. Nakanaman. Hahaha. Basta ang saya kasi makipagkuwentuhan sakanya and I can share all of my secrets sakanya. Lagi kaming naghheart to heart talk. ;;) Tapos pag may umaaway sakin, wala siyang ginagawa! Sweet noh?..Hahaha. Goodluck sa BF mo!:))
7. What else?..Yung
trees kasi sarap matulog sa shade niya on a hot summer day. REFRESHING. :))
8.
Street foods. :D Kahit bawal sakin dahil sa amoeba ko, kumakain parin ako. SARAAAAAAAAP. Yung mga ISAW, TOKNENE, FISHBALL, and SCRAMBLE(yung pink ice thingy na nilalagyan ng choco syrup and powdered milk). YUMMM.
9.
The WIND. Mukang nagiging nature lover na ko?:)) Ang sarap kaya ng wind lalo na pag may clouds na tumatakip sa sun. Pag nasa ilalim ka ng puno. Cool. Nagtugma tugma lahat. Hahaha. Kasi when you're alone sa isang peaceful place or corner or wherever tapos parang relaxed ka and lahat, you will appreciate everything around you. :)
10.
My life. Kahit hindi man kami ganun kayaman and broken family kami, I still made myself happy in my own ways. :) I have friends that i treat as my golden treasure. WHOT. Hahaha. I'm contented in what I have. Mukang wala na tong koneksyon ah?:))
I tag Carla, Legs, Mar, Baello, Mikko, Kai, Anna I., Janica, Mara, Kaye. :)
----nasabaw ako dun ah. :))